
Hindi dapat isisi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang gabinete ang palpak na pamamalakad sa pamahalaan.
Ito ang sinabi ni Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines matapos ang paghahain ng courtesy resignation ng mga gabinete ng administrasyong Marcos.
Ayon kay Secillano, ang punong ehekutibo ang may pangunahing pananagutan sa gobyerno.
Hindi aniya makatarungan na ang mga kalihim ang sisihin sa mabagal at hindi matagumpay na pamamalakad ng pamahalaan.
Kung mahusay at epektibo aniya ang pamumuno ay awtomatiko namang susunod ang pamahalaan.
Wala pang reaksyon ang Palasyo sa pahayag ng opisyal ng CBCP.
Facebook Comments









