Pangulong Marcos, tiniyak ang tulong ng pamahalaan sa mga atletang may potential na makisabak sa world stage

Hinikayat ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang mga atletang Pinoy na ipursige ang kanilang mga pangarap.

Sa pagbubukas ng Palarong Pambansa kahapon, sinabi ng pangulo na panauhing pandangal na marami sa mga atleta ang posibleng makaabot hindi lang sa Palarong Pambansa kundi maging sa Southeast Asian Games, Asian Games maging sa Olympics.

Tiniyak naman ng pangulo ang tulong mula sa pamahalaan sa mga atletang gustong maabot ang kanilang mga pangarap.

Sa kabila nito, pinuri pa rin ni Marcos ang lahat ng mga atleta manalo man sila o matalo dahil hindi biro ang pinagdaanan ng mga atleta bago makarating sa national level.

Facebook Comments