Mga gaganaping programa para sa ika-50 anibersaryo ng ASEAN ngayong araw, all-set na

Manila, Philippines – All set na ang mga programang gaganapin sa 50th founding anniversary ng ngayong araw.

Ang nasabing selebrasyon ay may temang *“Under One Light, We Are One ASEAN”* kung saan sabay-sabay itong gaganapin sa lahat ng ASEAN capitals ng mga bansang miyembro nito.

Mamayang alas-3:00 ng hapon, magaganap ang makulay na parada mula luneta patungong Cultural Center of the Phillpines o CCP grounds sa Pasay.


Dito gagawin ang landmark lighting ceremony na pangungunahan ng FEU dancers, PSG marching band at itatampok ang magarbong “higantes” na nakasuot ng asean national costumes.

Pagkatapos nito, susundan ng ASEAN pop concert sa BGC amphitheater in Taguig City kung saan magtatanghal ang mga sikat na OPM bands sa bansa.

Imbitado ang lahat na dumalo sa nasabing programa.

Facebook Comments