Mga Galon na may Lamang Bigas ng NPA, Nahukay ng Militar sa Cagayan

17

Cauayan City, Isabela- Narekober ng kasundaluhan ang limang (5) malalaking galon na naglalaman ng mga bigas na pagmamay-ari ng mga rebeldeng grupo sa Sitio Tagcar, Barangay Isca, Gonzaga, Cagayan.

Sa ibinahaging impormasyon ng 5th Infantry Division, Philippine Army, apat na tig-30 litro na mga galon at isang 20 litro na galon na naglalaman ng bigas ang nahukay ng mga sundalo.

Ayon sa mga residente, ang mga nahukay na galon ay pinag-iimbakan ng mga teroristang grupo ng kanilang mga nakokolektang bigas mula sa mga magsasaka at residente sa kanayunan.


Kaugnay nito, muling hinikayat ang publiko ni MGen. Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division na huwag nang bigyan ng anumang tulong ang mga nangingikil na makakaliwang grupo.

Bagkus ay hinimok ng Kumander ang mamamayan na agad ipagbigay alam sa mga kasundaluhan o sa iba pang kinauukulan ang ginagawang pangingikil ng mga teroristang grupo.

Facebook Comments