Mga gambling paraphernalia, nasabat sa Pasay City

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 38 parcels o packages na naglalaman ng 75 poker chip sets at iba pang gambling paraphernalia sa Pasay City.

Ang nasabing imported items ay nadiskubre ng BOC sa Central Mail Exchange Center ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).

Sa pahayag na inilabas ng BOC, ang mga gambling sets na tinangkang ipuslit ay walang permit mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).


Malinaw na paglabag ito sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Dagdag pa ng BOC, ang mga nakumpiskang poker sets, dealer chips at iba pang gambling paraphernalia ay itu-turn over sa auction at cargo disposal division para sa safekeeping habang hinihintay ang seizure at forfeiture proceedings.

Facebook Comments