Mga gamit ng nawawalang UP law professor, natagpuan sa Occidental Mindoro

310

Natagpuan ng mga awtoridad sa Barangay Balikyas sa Bayan ng Looc, Occidental Mindoro ang mga gamit ng nawawalang University of the Philippines (UP) Law Professor Ryan Oliva.

Sa report mula kay Occidental Mindoro Police Director Colonel Hordan Pacatiw, ang gray backpack ni Oliva na naglalaman ng iba’t ibang mahahalagang gamit ay natagpuan ng isang lokal na residente sa pampang.


Naglalakad lamang ang residente at manghuhuli ng isda nang matagpuan ang bag na balot na ng buhangin at basura.

Laman ng bag ang mga ID ni Oliva tulad ng non-professional driver’s license, ATM at rewards cards.

Nasa bag din ang isang Android phone.

Sa mga mayroong impormasyon sa kinaroroonan ni Atty. Oliva ay maaaring makipag-ugnayan sa pamilya sa pamamagitan ng e-mail findingattyryan@gmail.com




Facebook Comments