Mga Gamit ng NPA, Narekober sa Kuta sa Rizal, Cagayan

38

Cauayan City, Isabela- Narekober ng pinagsanib na pwersa ng 17th Infantry Battalion at Marine Battalion Landing Team 10 ng 501st Infantry Brigade, 5ID, PA kasama ang mga sibilyan ang mga gamit ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa nakubkob na kuta sa brgy. Bural sa bayan ng Rizal, Cagayan.

Narekober ang mga naiwang gamit ng mga rebelde sa lugar ang siyam (9) na Jungle packs, 8 IEDs, dalawang (2) Rifle Grenades, tatlong (3) detonating Box, tatlong (3) detonating Cords, pitong (7) Cellphones, Assorted Ammunitions (10 pcs M16, 15 pcs AK47, 3 pcs Cal .45 and 2 pcs Shot gun) at mga subersibong dokumento.

Mismong ang taongbayan sa lugar ang nagbigay ng impormasyon sa mga kasundaluhan sa pinagkukutaan ng mga bandidong grupo.


Magugunitang nagkasasupaan ang tropa ng pamahalaan sa grupo ng mga NPA noong December 5, 2020 sa bahagi ng brgy Bural sa naturang bayan.

Kaugnay nito, nagpapatuloy pa rin ang manhunt operation ng mga kasundaluhan laban sa mga naka-engkwentrong rebelde.

Facebook Comments