Isang ginang na wanted sa Pasay City, arestado

Arestrado ang isang ginang na nasa wanted list ng mga otoridad sa ikinasang operasyon sa Pasay City.

Nakilala ang nadakip na si Maginda Basil, 49-anyos, na residente ng Brgy. 137, Zone-13.

Naaresto ang 49-anyos na suspek sa loob ng kanilang bahay sa bisa na rin ng warrant of arrest kung saan nahaharap ito sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.


Sinasabing nahirapan ang pulis sa paghahanap sa akusado dahil sa palipat-lipat ito ng bahay kaya’t nagsagawa ang mga otoridad ng manhunt operation para madakip ito.

Nakatakda naman iharap si Basil sa Regional Trial Court (RTC) branch 111 ng Pasay City na siyang nagpalabas ng warrant of arrest.

Facebook Comments