Friday, March 20, 2026

MGA GASOLINAHAN SA SAN CARLOS CITY, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN

Patuloy ang masusing monitoring ng Pamahalaang Lungsod ng San Carlos sa presyo ng mga produktong petrolyo sa lungsod upang matiyak ang pagsunod ng mga gasolinahan sa itinakdang presyo at regulasyon ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga mamamayan mula sa overpricing at iba pang iligal na gawain.

Kasama ang mga kaukulang ahensya, isinasagawa ang pagsusuri upang maiwasan ang overpricing, hoarding, profiteering, at iba pang ilegal na gawain na maaaring makasagasa sa interes ng mga mamimili. Pinapangalagaan ng LGU ang kapakanan ng mga mananakay, motorista, operator, at mga magsasakang umaasa sa fuel para sa kanilang mga makinarya at kabuhayan.

Tinitiyak rin ng lokal na pamahalaan na sapat ang suplay ng langis sa lungsod upang maiwasan ang kakulangan at hindi makatarungang pagtaas ng presyo.

Narito ang mga presyo ng gasolina sa ilan sa mga pangunahing gasolinahan sa lungsod:
Premium ₱85.20 – ₱90.60
Unleaded ₱83.60 – ₱89.99
Diesel ₱97.89 – ₱110.34

Tinitiyak ng tanggapan na sapat ang suplay ng fuel upang maiwasan ang kakulangan at hindi makatarungang pagtaas ng presyo.

Hinihikayat ang publiko na i-report agad ang anumang kahina-hinalang gawain o hindi tamang presyo sa opisyal na page ng LGU upang mabigyan ng agarang aksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments