MGA GASOLINAHAN SA SANTO TOMAS, HINIKAYAT MAGBIGAY NG DISKWENTO SA MGA MAGSASAKA AT TRICYCLE DRIVERS

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Santo Tomas ang mga fuel stations sa bayan na magbigay ng diskwento partikular sa mga magsasaka at mga tricycle drivers.

Ito ay matapos aprubahan ng Sangguniang Bayan ang kautusan na nag-aanyaya sa lahat ng mga gasoline stations at suppliers na magbigay ng diskwento upang maibsan ang pasanin ng mga magsasaka at tricycle operators dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Agad na tumugon ang isang fuel station sa Barangay Salvacion, na nag-aalok ng diskwento sa gasolina na simula kahapon, Abril 8.

Eksklusibo umano ang diskwento para sa mga magsasaka at miyembro ng TODA ng Santo Tomas.

Bagaman walang nabanggit na halaga ng diskwento, kinatigan ng mga residente ang kautusan bilang malaking tulong sa pasanin ng mga manggagawa.

Ayon sa Sangguniang Bayan, layong tugunan ng ordinansa ang dagok na nararanasan ng mga lokal na manggagawa at transport operators sa gitna ng tumataas na presyo ng langis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments