Bumaba na ang bilang ng mga nasa COVID isolation facilities na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa DPWH, sa ngayon, nasa 45.45 percent na lamang ang okupadong isolation facilities sa NCR.
Sa kabuuang 3,604 bed capacity, nasa 1,638 na lamang ang may pasyente.
Nasa 1,966 naman ang availability o katumbas ng 55% na mga bakanteng kwarto.
Sa kabuuan, 34 ang mga pinangangasiwaan ng DPWH na isolation facilities sa Metro Manila.
Facebook Comments