Mga government hospital at temporary treatment sa Cebu City, hindi nagagamit ayon sa DOH

Hindi nagagamit ang mga government hospital at temporary treatment facilities sa Cebu City sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega, dahil ito sa pagkakaroon ng “mismatch” sa mahinang koordinasyon sa pagitan ng mga ospital at pansamantalang treatment facilities.

Dahil dito, nagpadala na ng mga doktor mula sa militar at volunteer doctors mula sa Northern Luzon para sa mga pansamantalang treatment facility.


Habang sa mga ospital ay hinihikayat ng DOH ang mga pasilidad na maglaan ng 30% bed capacity sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sa ilalim ng protocol ng DOH, maaaring ma-confine sa tahanan ang mga mild at asymptomatic COVID-19 patient, kung mayroong hiwalay na silid at palikuran para rito.

Pero kung walang ganitong pasilidad sa tahanan, dapat ma-confine ang mga pasyenteng may mild at asymptomatic sa temporary treatment facilities para pagtuunan ng pansin ng mga ospital ang paggamot sa severe at kritikal na kaso.

Facebook Comments