Naarestong suspek sa pagpatay kay Jang Lucero, pinalaya dahil sa kakulangan ng ebidensya

2688

Iniutos ng piskalya na palayain ang naarestong suspek at itinuturong mastermind sa pagpatay kay Robyn Jang Lucero, ang babaeng driver na nakitang tadtad ng saksak sa loob ng kaniyang sasakyan noong Hunyo 28.

Pinakawalan ng Calamba Police si Annshiela Belarmino dahil sa kakulangan ng ebidensiya para sa isinampang kasong murder.

Una nang iginiit ni Belarmino na hindi siya ang babaeng nasa CCTV video na sinasabing naging pasahero ng biktima bago maganap ang karumal-dumal na krimen.

(BASAHIN: Suspek sa pagpaslang kay Jang Lucero, nanindigang hindi siya ang nasa CCTV video)

Aniya, nasa ibang lugar siya at nakikipag-inuman nang matagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Lucero. Inamin din ng salarin na dati niyang ka-relasyon ang kasintahan ng biktima na si Meyah Amatorio.

Sa isang ulat, sinabi ng pulisya na kakalap sila ng mas matibay na ebidensiya laban sa 20-anyos na dalaga at muling maghahain ng kaso.

Patuloy naman hinahanap ng mga awtoridad ang iba pang nasa likod ng pagpaslang.




Facebook Comments