Mga gov’t hospital, naka-“code white” alert na

Isinailalim na ng Department of Health (DOH) sa “code white” alert ang lahat ng government hospitals ngayong Mahal na Araw.

Ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo – ibig sabihin ng code white alert ay ang kahandaan ng health facilities, sinisigurong present ang lahat ng general at orthopedic surgeons, anesthesiologist, internist, operating room nurses, ophthalmologist at otorhinolaryngologist para tumugon sa anumang emergency situation.

Nakalagay din sa on-call status ang mga health service, nursing at administrative personnel para sa immediate mobilization.


Bago ito, nagpaalala na ang DOH sa mga peregrino at mga magpepenitensya sa iwasan ang mga sakit dulot ng matinding init ng panahon.

Sa mga bibisita sa mga simbahan o ‘Visita Iglesia’, pinayuhan ng DOH ang publiko na magdala ng tubig, pagkain at payong.

Siguruhin ding dala ang maintenance medicines ng mga taong may high blood pressure at iba pang sakit.

Facebook Comments