Nagkasa ng kilos protesta bukas ang mga Grab drivers.
Simula ngayong araw tatalima na ang Grab sa deactivation ng nasa 8,000 Grab drivers na nabigong makatugon sa requirement ng LTFRB para sa accreditation .
Ayon kay Leonardo de leon, chairman ng hatchback community, pinaaasa lamang sila ng LTFRB pinapabalik-balik sa ltfrb para lang sabihin sa bandang huli na hindi na kasama ang kanilang unit sa mabibigyan ng CPC o Certificate of Public Convenience.
Nalailito na rin aniya sila dahil biglang kambiyo ang LTFRB na hindi na pinapayagan ang hatchback unit bilang TNVS habang taliwas naman ito sa pangako ng Grab at iba pang transport network companies.
Inihayag din ng mga Hatchback drivers na hindi sila inasikaso ng LTFRB nang mag apply sila ng accreditation kahit kumpleto sila ng requirements.
Apela ng mga Grab drivers sa DOTr, unawain sana sila kung hindi makapag comply sa nga requirements.