Mga Grab drivers, nagkasa ng kilos protesta bukas kasabay ng deactivation ng 8,000 Grab drivers

104

Nagkasa ng kilos protesta bukas ang mga Grab drivers.

 

Simula ngayong araw tatalima na ang Grab sa  deactivation ng nasa 8,000 Grab drivers na nabigong makatugon sa requirement ng  LTFRB para sa  accreditation .


 

Ayon kay Leonardo de leon, chairman ng hatchback community, pinaaasa lamang sila ng LTFRB pinapabalik-balik sa ltfrb para lang sabihin sa bandang huli na hindi na kasama ang kanilang unit sa mabibigyan ng CPC o Certificate of Public Convenience.

 

Nalailito na rin aniya sila dahil biglang kambiyo ang LTFRB na hindi na pinapayagan ang hatchback unit bilang TNVS habang taliwas naman ito sa pangako ng Grab at iba pang transport network companies.

 

Inihayag din ng mga Hatchback drivers na hindi  sila inasikaso ng  LTFRB  nang mag apply sila ng  accreditation kahit kumpleto sila ng requirements.

 

 

Apela ng mga Grab drivers sa DOTr, unawain sana sila kung hindi makapag comply sa nga requirements.

 

Facebook Comments

From Advertisers