Mga grupong kontra sa NPA, sabay-sabay na nag-rally sa UP Diliman at sa Monumento

May hiwalay ding aktibidad ang mga grupong kontra New People’s Army o NPA.

Dinaan nila sa sayaw at awit ang kanilang protesta na isinagawa sa iba’t ibang lugar sa Quezon City at Calookan.

Ito ay kasabay ng paggunita ngayong araw ng ika 51-anibersaryo ng NPA.


Sa Monumento ni Andres Bonifacio sa Calookan, mistulang piyesta ang okasyon dahil may live band pa.

Nagtalumpati naman ang mga kinatawan ng grupong Hands off of Our Children, League of the Parents of Philippines, Citizen Crime Watch at Manila NGO Alliance, Bantay Bayan.

Bitbit nila ang mga plakard na may nakasulat na “Sagipin ang mga kabataan sa recruitment ng NPA” at “Mga kabataan bigyan ng tamang kinabukasan.”

Namahagi rin sila ng mga leaflets na humihikayat sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak.

Alas sais kaninang umaga nang magtipon-tipon at nagmartsa ang grupo sa UP Diliman at Philcoa.

Facebook Comments