Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng mga grupong magsasagawa ng pagtitipon ngayong nasa National Health Emergency ang buong bansa na mahaharap sa maraming kaso.
Ito ay matapos ang ginawang public assembly ng 20 miyembro ng Kadamay sa pangunguna ni Jocy Lopez sa Barangay San Roque sa EDSA Quezon City kahapon.
Layunin sana ng grupo na magprotesta sa Quezon City Government dahil sa mabagal na pamamahagi ng ayuda partikular pagkain.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, umaapela ang PNP sa publiko na manatiling kalmado at manatili sa bahay para masunod ang umiira na Community Quarantine nang sa ganun hindi mahawaan ng COVID-19.
Sinabi naman ni NCRPO Chief Major General Debold Sinas na naiintindihan nya ang hinaing ng ilang pamilyang kinakapos sa pagkain ngayong panahon pero kailangan pa rin anya na maghintay ng tulong mula sa gobyerno.
Kinakailangan aniya na bawat isa ay may sarkipisyo para lang hindi mahawaan ng nakakamatay na Virus.
Sinabi rin ni Banac na gumagawa na ng paraan ang Pangulong Rodrigo Duterte para matulungan ang mga kinakapos sa pagkain.
Ito ay ang pagbibigay ng cash ssistance na hindi na idadaan pa sa mga pulitiko sa halip mismong DSWD na ang mamimigay nito sa mga nangangailan para maiwasan ang pulitika.