Manila, Philippines – Binalaan ng Malakanyang ang mga grupong nagsasamantala para pagkakitaan ang isinusulong na Pederalismo sa bansa.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte – wala silang inotorisahan para mag-print ng mga card at mangolekta ng membership fee para sa Federalismo.
Sinabi ng Pangulo na nakatanggap siya ng impormasyon na pinagbabayad ng 50 pesos bilang membership fee ang mga nire-recruit para sumali sa Federalismo sa Luzon.
Ipinahahanap na aniya sa mga otoridad ang tao at grupong nasa likod ng raket para pagkakitaan ang Federalismo.
Facebook Comments