Pagpatay ng Abu Sayyaf sa bihag nilang Vietnamese seafarer, kinumpirma ng military

75

Manila, Philippines – Kinumpirma ng militar na pinatay na ng Abu Sayyaf ang isa sa mga bihag nitong Vietnamese seafarer na kanilang dinukot sa Pearl Bank malapit sa Tawi-Tawi noong Pebrero.

 

Ayon kay Col. Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force Sulu, nakatanggap sila ng ulat na pinagbabaril ng ASG ang biktima habang tumatakas ang mga bandido sa mga humahabol sa kanilang sundalo sa Tawi-Tawi.

 

Sa ngayon aniya ay limang Vietnamese na lamang ang hawak ng bandidong grupo.

 

Pebrero 19 nang dukutin ng ASG ang mga biktima na lulan ng barkong  M/V Giang Hai 17.

 

Samantala, anim na iba pang Vietnamese sailors na dinukot naman malapit sa Sibago Island sa Basilan, noong Nobyembre  ang bihag pa rin ng bandidong grupo.

Facebook Comments