Benguet, Philippines – Sa Executive Order na pinirmahan ni Municipality of La Trinidad, Mayor Romeo Salda noong Miyerkules, patungkol sa pagsunod ng mga minimum health standards tulad ng physical distancing, pagsuot ng facemasks, paglagay ng washing area at alcohol/hand sanitizer sa mga counter, thermal scanning, doormat na may disinfectant na nakalagay sa entrance at registration bago pumasok, sa mga magbubukas ng mga establisimyento sa munisipalidad.
Isa sa mga tinututukan sa probinsya ang pagbubukas ng mga computer shops na magbubukas ng 8 ng umaga hanggang 6:30 ng hapon at limitado lang ito sa mga magreresearch, encoding, printing, photocopy at para sa iba pang mga serbisyo tulad ng pagtambay, paglalaro at social networking ay ipinagbabawal.
Kasama din sa mga pansamantalang pinagbabawal ang pagpasok sa computer shop ng mga buntis, may masamang pakiramdam, mga indibidwal na nasa 21 anyos pababa at 60anyos pataas at ang pagsuot ng tsinelas at sando at kailangan magsagawa ang mga shops ng disinfection ng mga computers at paglalagay ng plastic barriers.
May pitong monitoring team ang maglilibot at magbabantay sa mga computer shops sa iba’t ibang barangay at ang mga hindi susunod sa guidelines ay siguradong huhuliin.