Sisimulan na bukas ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga okra sa Japan.
Pangungunahan ni Agriculture Sec. William Dar ang send off ceremony ng exportation ng okra na ide-deliver sa mga syudad ng Tokyo, Osaka, Kobe at Nagoya.
Gagawin ang send off ceremony sa PAIR-PAGS Center, NAIA Road Pasay City.
Ang mga batang magsasaka na sina Jeffrey Fernandez at Rap Pelayo ang siyang magdadala ng okra sa Japan.
Nagmula ang mga nasabing gulay sa 14 na bayan sa Tarlac na tanim ng nasa 300 magsasaka.
Ayon sa DA, magiging regular na ang pag-export ng okra sa Japan at ito ay madaragdagan pa ng mas maraming produktong agrikultura.
Facebook Comments