Manila, Philippines – Sinimulan na ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang paghuli sa mga motoristang gumagamit ng mga hindi otorisadong wang-wang, blinkers, at led lights.
Ayon kay Chief Superintendent Arnel Escobar, hepe ng PNP-HPG, mahigit 177 na motorista ang kanilang nasita kung saan kanilang kinumpiska ang mga blinkers at wang-wang ng mga ito.
Aabot sa P600.00 na multa at anim na buwan na pagkakakulong ang mahuhuli pero sa ngayon, binigyan lamang sila ng warning.
Nabatid na ang nasabing operasyon ay bahagi ng “oplan disiplinadong driver” ng PNP-HPG.
Matatandaan naman na sa ilalim ng presidential decree no. 96 mga fire truck, ambulansiya at law enforcement vehicles lamang ang maaring gumamit ng mga ganitong uri ng device.