Bumuo na ng Inspection and Assessment Team si National Irrigation Administration Asministrator Ricardo Visaya para i- monitor ang lahat ng proyekto ng NIA.
Ayon kay NIA Administrator Ricardo Visaya, kasama na rito ang lahat ng queries at complaints na may kaugnayan sa mga proyekto, pag asiste sa mga opisyal at tauhan ng NIA at pagtugon sa mga issues upang mapabilis ang mga pending projects.
Kabilang na rin sa gagawin ng inspection and assesment team ang reporma sa pamamahala at ang magpatupad ng mga kaukulang hakbang laban sa pagsugpo sa katiwalian sa gobyerno.
Kaugnay nito nagbabala na si Visaya sa mga opisyal at tauhan nito na gumagamit sa pangalan ng ahensiya sa extortion activities.
Maging ang mga Local Government Officials na nagtatangka na i-antala ang implementasyon ng proyekto na paglabag sa Republic Act No. 3019 o“Anti-Graft and Corrupt Practices Act”.
Kamakailan lang sinampahan ng kasong katiwalian sa ombudsman ang ilang retired Regional Officials ng NIA dahil sa anomalya sa implementasyon ng Irrigation Project .
Noong nakalipas na buwan may apat na NIA officials ang tinanggal na sa serbisyo habang pito pa ang sinuspendi dahil sa iregularidad sa pagpapatupad ng proyekto.
Bukod dito, may siyam na iba pang opisyal mula sa field offices ang sinibak din sa puwesto at isinasailalim na sa imbestigasyon sa central office.