Hinikayat ng Pasig City government ang lahat ng mga gumaling na sa COVID-19 na mag-donate ng kanilang plasma.
Ang plasma mula sa gumaling sa COVID-19 ay mayroong anti-bodies laban sa virus na maaaring makatulong na iba pang mga pasyente na may coronavirus.
Ayon sa Pasig LGU, sa mga interesado, narito ang requirements na kailangan:
• Positive PCR swab result.
• Negative PCR swab result.
• Kung walang negative PCR swab result, dapat ay mahigit 28 araw nang asymptomatic o hindi nakararanas ng mga sintomas ng COVID-19.
• Recent Electrochemiluminescence Immunoassay (ECLIA) antibody test result.
• At ang mga gustong mag-donate ay dapat ay may edad na 18-65 anyos, may timbang na 50 kilograms o higit pa.
Tinatanggap ang kahit anong klaseng blood type para sa plasma donation, kung saan isasailalim ang lahat ng blood donors sa screening sa St. Luke’s Taguig.
Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa PCCH Laboratory sa numerong 8643-2222 local 303.