Live-in partner, huli sa buy-bust operation; P340K na halaga ng shabu, nakumpiska

Arestado ang mag-live-in partner matapos mahulihan ng P340,000 na halaga ng shabu sa joint buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 5 at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 4 (PDEA-RO4) sa Barangay North Fairview sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo ang mga naaresto na sina Hakim Ampaso, 24-anyos, at Johanifa Mangotara, 23-anyos, mga residente ng Phase 1, Bagong Silang, Caloocan City.

Nakumpiska kay Ampaso ang 50 grams ng shabu na may street value na P340,000.00, cellular phone at ang buy-bust money.


Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng PDEA para sa pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments