Mga gumaling sa COVID-19, umaabot na sa 181

Inihayag ng Manila City government na nadagdagan pa ng 181 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa lungsod na bahagyang mababa kung ikukumpara kahapon na umaabot ng 227.

Ayon sa Manila Local Government Unit (LGU), dahil diyan ay umabot na sa kabuuang 69,188 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa lungsod.

Habang nadagdagan naman ng 245 na mga bagong nagkasakit ngayong araw na bahagyang mababa kumpara sa 313 kahapon.


Paliwanag pa ng Manila LGU, umakyat na sa kabuuang 72,158 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod habang pumalo naman sa 1,618 ang aktibong kaso o mga hindi pa gumaling sa sakit at 7 ang bilang ng mga nasawi ngayong araw na bahagyang mababa sa naitalang 10 kahapon kaya’t umakyat na ngayon sa kabuuang 1,352 ang bilang ng mga namamatay sa Maynila dahil sa COVID-19.

Facebook Comments