Mga gun ban violators, umabot na sa 3,244 ayon sa PNP

Kahit tapos na ang botohan, patuloy ang pagdami ng bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa pinaiiral na gun ban sa bansa.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) ngayong , May 14, umabot na ito sa 3.244.

Sa nasabing bilang, 3,113 ang sibilyan, 60 ang security guards, 23 ang miyembro ng PNP, 22 ang tauhan ng AFP at 26 ang iba pang violators.


Pinakmarami sa mga nahuli ay sa NCR na nasa 1,163; kasunod ang
Region 4A na may 348; Region 7 na may 338; Region 3 na may 302; at Region 6 na may 193.

Nakumpiska sa mga ito ang 2,521 na firearms; 1,172 na deadly weapons, kabilang ang 131 na pampasabog; at mahigit 15,000 na mga bala.

Mula naman January 9 hanggang kasalukuyan, umabot na sa 3,042 ang naisagawang gun-ban operations ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang gun ban ay ipatutupad sa buong bansa hanggang sa June 8, 2022, ang pagtatapos ng election period.

Facebook Comments