88.7% Voter turnout sa Local Absentee Voting, naitala ng COMELEC

93

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Atty. Rex Laudiangco na 100% nang na-canvass ng COMELEC ang mga boto para sa Local Absentee Voting.

Ayon kay Laudiangco, 88.73% ang naging voter turnout sa Local Absentee Voting.

Aniya, ito ang pinakamataas na naitalang turnout sa Local Absentee Voting.


Pinag-aaralan na rin ng COMELEC ang pagdaraos ng special elections sa Tubaran, Lanao del Sur sa May 24 matapos na ideklara rito ang failure of elections.

Kinumpirma rin ng poll body na kontrolado na ang sitwasyon sa nasabing lugar at pinaghahandaan na nila ang special elections dito.

Facebook Comments