Patuloy ang pagdami ang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa pinaiiral na gun ban kaugnay ng halalan 2022 sa bansa.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) kahapon, Mayo 5, umabot na ito sa 3,013 matapos mahuli ang karagdagang 25 na violator kahapon.
Sa nasabing bilang, 2,094 ang sibilyan, 49 ang security guards, 17 ang miyembro ng PNP, 17 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 26 ang iba pang violators.
Pinakmarami sa mga nahuli ay sa NCR na nasa 1,121 kasunod ang; Region 4A na nasa 335; Region 7 na nasa 323; Region 3 na nasa 274; Region 6 na nasa 183.
Nakumpiska sa mga ito ang 2,229 na firearms, 1,103 na deadly weapons, kabilang ang 115 na pampasabog; at mahigit 12 libong mga bala.
Mula Enero 9 hanggang kasalukuyan, umabot na sa 2,864 ang naisagawang gun-ban operations ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa bansa.