Pagka-detain sa Pasay City Jail nina Pharmally executives Mohit Dargani at Linconn Ong, idinepensa ni Senator Richard Gordon

438

Hindi na ikinagulat ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon ang muling pag-apela nina Pharmally Pharmaceutical Corporations executives Linconn Ong at Mohit Dargani na makalabas ng Pasay City Jail.

Sabi ni Gordon, patuloy ang pagla-lobby nina Dargani at Ong para makalaya sa mga senador, mataas na opisyal at sa mga personalidad na malapit sa kanya at nagpapalabas pa ng mga press release sa media.

Dismayado si Gordon na sa mga hakbang nina Ong at Dargani na makalaya kahit sila ay nagsinungaling, nagtakip, at tumagging magsumite ng mga dokumento.


Kaugnay ito sa imbestigasyon ng Senado ukol sa umano’y maanumalyang pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies.

Paglilinaw ni Gordon, ang pag-contempt at pag-detain kina Ong at Dargani ay dumaan sa tamang proseso, may basehan at hindi dahil kagustuan lang ng komite.

Facebook Comments