Mga guro at estudyante, dapat alamin ang buhay ng GomBurZa – DepEd

Pinayuhan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro at mga estudyante na alamin ang naging buhay ng mga bayani partikular ang tatlong paring martir – sina Fr. Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, o mas kilala bilang “GomBurZa.”

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hinihikayat niya ang mga guro na balikan at sariwain ang naging buhay ng tatlong pari.

Umaasa ang kalihim na patuloy na ipapaalala ng mga guro sa mga estudyante at sa kanilang mga sarili na hindi natin matatamasa ang mayroon ngayon at hindi tayo makakarating sa ganitong estado kung hindi isinakripisyo ng mga bayani ang kanilang buhay.


Ikinuwento rin ni Briones na nagkaroon din siya ng oportunidad na basahin muli ang mga isinulat ni Nick Joaquin – partikular sa buhay ng tatlong pari.

Mahalaga ring gunitain ng mga estudyante ang buhay ng mga pambansang bayani.

Kinikilala ni Briones ang mga inapo o descendants ng GomBurZa at pinasalamatan sila sa kanilang mga naging ambag para sa pagsusulong ng pagiging makabayan, kalayaan at paghihiwalay ng simbahan at estado.

Pinasalamatan din ni Briones ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa pagpapaalala sa mga mahahalagang araw ng mga pambansang bayani, maging ang mga mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay.

Facebook Comments