Nanawagan ang World Health Organization (WHO) na dapat isama sa prayoridad sa pagbabakuna ang mga guro at teaching staff.
Ayon sa WHO, dapat itong gawin lalo na sa mga bansa sa Europa at Gitnang Asya upang maipagpatuloy ang face-to-face classes sa mga paaralan.
Dagdag pa ng WHO, dapat ay isinasama sa target population groups ng vaccination plans ng pamahalaan ang mga nasa sektor ng edukasyon.
Una nang inirekomenda ng organisasyon ang plano noong Nobyembre 2020 bago pa magsimula ang vaccination roll-out.
Dito sa Pilipinas, maaaring maikunsidera na kabilang sa A4 priority groups ang mga guro sa vaccination plan ng pamahalaan.
Facebook Comments