Mga guro, dismayado sa pagbabalewala ng gobyerno sa kanilang sakripisyo sa pagtuturo; Umento sa sahod, inihirit sa World Teachers’ Day

Manila, Philippines – Kinakalampag ng mga iba’t ibang guro sa pribado at pampublikong paaralan sa NCR si Pangulong Duterte upang itaas ang kanilang sahod na matagal ng hinihingi sa pamahalaan.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Chairman Benjamin Valbuena, itinaon nila sa World Teachers Day ang kahilingan na itaas ang kanilang sahod na gawing 25 libong piso na minimum para sa entry level o teacher 1 at 16 libong pisong sa mga empleyado.

Paliwanag ni Valbuena, karapat-dapat na itaas ang kanilang sahod dahil napakalaking papel ang kanilang ginagampanan sa lipunan dahil hinuhobog nila ang kamalayan ng mga kabataan sa pamamagitan ng isang kalidad na edukasyon.


Giit ni Valbuena, dapat isagawa ni Pangulong Duterte ang kanyang mga pangako na taasan ang sahod ng mga guro dahil ang ina ng Pangulo ay isa ring guro at alam nito kung gaano kababa ang sahod ng mga guro sa bansa.




Facebook Comments