Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga guro sa bansa na magparehistro na para sa bakuna kontra COVID-19.
Kasabay ito ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagkakasama ng mga guro sa A4 priority ng mga mababakunahan.
Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, maaari nang magpabakuna ang mga guro kasama ang iba pang government frontliners sa mga Local Government Unit (LGU) sa bansa.
Matatandaang ilan sa mga pasok sa A4 category ay ang commuter transport (land, air at sea), kabilang ang logistics, public and private wet at dry market vendors; frontline workers sa groceries, supermarkets, delivery services, mga manggagawa mula sa food at beverage manufacturing, medical at pharmaceutical products, frontline workers sa food retail, kabilang ang food service delivery, frontline workers sa private at government financial services, mga pari, security guards, mga kawani ng media at maraming iba pa.