Mga guro kasama na sa A4 priority vaccination category, ayon kay DepEd Sec. Briones

Kinumpirma ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na kasama na ang mga guro sa bansa sa priority A4 group list ng nasyonal na pamahalaan para sa kanilang COVID-19 vaccination program.

Ito’y matapos ilabas kahapon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang Resolution no. 110 Series of 2021 kung saan nakasaad dito na kabilang na sa priority A4 category ang mga frontline personnel ng basic education at Higher Education Institution ng bansa.

Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat si Secretary Briones sa nasyonal na pamahalaan na dininig ang kanilang kahilingan na mapasama ang mga guro sa A4 priority category.


Aniya ang bakuna ay isang key component para sa pagbalik ng face-to-face classes sa bansa.

Kasabay nito muling binigyan-diin ni Briones na ang DepEd ay patuloy na bibigyan proteksyon ang kalusugan at siguridad ng mga guro, non-teaching staff at mag-aaral sa panahon ng krisis.

Matatandaang ang mga guro ay kabilang dati sa priority group B1 sa National Deployment and Vaccination Plan ng pamahalaan.

Facebook Comments