Mga guro, magsasagawa ng caravan at noise barrage para sa kanilang mga benepisyo

Kakalampagin ng grupong Alliance of Concerned Teachers ang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) bukas ng umaga para iparating at gisingin ang mga opisyal na dapat tugunan na ang kanilang mga kahilingan.

Magtipon-tipon muna sa Welcome Rotanda ang mga guro para sa isang caravan bago tutulak sa DBM, Mendiola, upang hilingin na taasan na ang kanilang mga sahod, dagdagan ang kanilang mga benepisyo at pondo sa edukasyon.

Igigiit ng grupo ang sobrang trabaho, walang suporta mula sa gobyerno at hindi nababayaran ang mahigit 950,000 public school teachers nationwide.


Dagdag pa ng grupo na sangkaterbang isyu ng mga guro ang kanilang ipapa-abot bilang pagkondena sa Duterte administration sa kapabayaan sa kanilang hanay at singilin na rin ito sa mga pangako noon sa mga guro.

Facebook Comments