Nakatakdang ipamahagi ng Department of Education (DepEd) ang connectivity load sa mga guro sa susunod na buwan.
Ang hakbang na ito ay pagsuporta ng kagawaran sa mga guro sa pagsasagawa ng blended learning.
Ayon kay Education Undersecretary for Administration Alain del Pascua, sinimulan na nila ang procurement process para sa connectivity load na magbibigay sa public school teachers ng 30 hanggang 35 gigabyte (GB) na data allocation kada buwan.
Aniya, sapat ang 35 GB para sa online teaching activities ng mga guro para sa isang buwan.
Ang mga hindi magagamit na data allocation ay maaaring ubusin sa mga susunod na buwan.
Mayroon ding proposal na bigyan ang mga guro ng sim cards para magamit ang data connection para sa school related activities.
Facebook Comments