Mga guro, mas nais magtrabaho sa eskwelahan kaysa sa kanilang mga bahay – DepEd

Mas pipiliin ng mga guro na magtrabaho sa eskwelahan kung saan naroroon ang mga pasilidad kaysa sa kanilang mga bahay sa gitna ng banta ng COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na nais ng mga guro ng maayos na lugar para sila ay makapagtrabaho.

Aniya, inihahanda na ang mga pasilidad sa mga eskwelahan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.


Pero binigyang diin ng kalihim na ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) ang magdedesisyon kung ano ang mga lugar na papayagan ang mga ekwelahan na papasukin ang kanilang mga guro.

Facebook Comments