Planong bigyan ng dagdag na ₱2,000 “honoraria” ang mga guro na magsisilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa October 30, 2023.
Sa kanyang pagharap sa House Committee on Appropriations ay sinabi ni Commission on Elections o Comelec Chairman George Garcia na gagawin ito kung isasabay sa BSKE ang pagpili ng mga delegado ng Constitutional Convention o Con-Con para sa Charter Change.
Ayon kay Garcia kung matutuloy ang Con-Con kasabay ng BSKE, ay ₱3.827 billion ang kakailanganing dagdag na budget na ₱3.827 billion kung saan kukunin ang dagdag-honoraria para sa mga teacher.
Paliwanag ni Garcia, dahil sa Con-Con ay madadagdagan ang sasagutan ng mga botante sa manual o manu-manong pagboto at bilangan na posibleng abutin ng madaling araw.