Prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney, pinalawig hanggang December 31, 2023

Hindi muna itutuloy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang tuluyang pagkansela ng prangkisa ng mga traditional jeepney.

Ito ang napagkasunduan ng mga opisyal ng LTFRB at kinatawan ng transport group sa ginawang pagpupulong kanina.

Dahil dito, hindi na itutuloy ng LTFRB ang June 30, 2023 jeepney phaseout bagkus ay iniurong ito sa December 31, 2023.


Binigyan din ng ahensya ang mga jeepney operator na ayusin ang lahat ng kanilang mga papeles para sa inihahanda na transport modernization.

Nauna rito, nagkasa ng tigil pasada ang iba’t ibang grupong pang transportasyon sa Lunes bilang pagprotesta sa jeepney phaseout.

Facebook Comments