Mga guro, nagkilos-protesta sa harap ng Batasang Pambansa para ipanawagan ang dagdag sahod at dagdag budget sa edukasyon

Nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng Batasang Pambansa ang isang grupo ng mga guro upang ipanawagan ang dagdag sahod at dagdag budget sa edukasyon.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers Philippines, nananawagan sila sa Kongreso na gawing prayoridad at pabilisin ang mga panukalang batas na naglalayong itaas ang sahod ng mga guro at itaas ang budget sa edukasyon.

Sinabi ni ACT-Teachers Rep. France Castro na overdue na ang dagdag sahod para sa mga guro.


Aniya, tumaas na ang sahod ng mga nurse, mga pulis, at mga sundalo sa mahigit P35,000 ngunit ang mga guro ay nakararanas pa rin ng social injustice dahil sa maliit na sahod.

Ani Castro, sa kasalukuyan nasa salary grade 11 lang ang mga guro o mahigit P25,000 na sahod.

Iginigiit din ang grupo ng dagdag na budget sa edukasyon bilang paghahanda sa ligtas na pagbubukas ng klase sa Agosto.

Facebook Comments