Senator Robin Padilla, umalma rin sa planong pagbuhay sa imbestigasyon ng ICC sa war on drugs

186

Umalma rin si Senador Robin Padilla sa planong pagbuhay sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

Kinuwestiyon ni Padilla ang hurisdiksyon ng ICC sa nasabing kontrobersiya.

Aniya, kung mayroon dapat mag-imbestiga sa war on drugs, dapat kapwa Pinoy ang mag-imbestiga at hindi ang dayuhang korte.


Sayang aniya ang mga naging sakripisyo ng mga bayaning Pilipino kung mananaig pa rin ang paghahari ng mga dayuhan.

Ang maaari lamang aniyang maging papel ng mga dayuhan ay maging observer sakali mang magkaroon ng imbestigasyon sa Pilipinas.

Facebook Comments