Itinuturing ni Vice President at Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio na mga bagong bayani ang lahat ng mga guro sa buong bansa.
Kaalinsabay ito ng paggunita sa National Heroes’ Day kahapon.
Sabi ng pangalawang pangulo, dapat ipagpasalamat ang sakripisyo at pagbabahagi ng kaalaman ng mga guro para lamang matiyak na matututo ang kanilang mga estudyante.
Tinawag din niyang matapang at hindi makasarili na mga bayani ang mga guro dahil sa kanilang dedikasyon.
Umaasa ang bise presidente na itutuloy ng mga teachers ang kanilang pagsusumikap, sakripisyo at dedikasyon para maihatid ang isang magandang kinabukasan ng mga bata.
Sa paggunita ng National Heroes’ Day, hinikayat niya ang mga estudyante na pasalamatan din ang kanilang mga guro at ituring na kayamanan ang kanilang sakripisyo at pagsisikap para magkaroon ng magandang bukas.