Pinawawalang bisa ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa Department of Education (DepEd) ang patakaran na nag-aatas sa lahat ng mga guro mula sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 na pisikal na mag-ulat sa mga paaralan at opisina.
Sa panayam ng RMN Manila, iginiit ni TDC Chairman Benjo Basas na dapat kumunsulta muna ang kagawaran sa mga guro para sa pagpapatupad ng bagong work arrangements.
Aniya, ang isang 100 porsiyentong on-site reporting para sa modular at online task ay hindi praktikal.
Maliban dito, hindi pa rin aniya handa ang mga pasilidad ng paaralan para sa distance learning maging ang maayos na internet connection.
Sinabi naman ni Education Secretary Leonor Briones na sumusunod lamang sila sa utos ng Inter-Agency Task Force (IATF) na kailangang na ang 100-percent onsite reporting capacity ng lahat ng DepEd offices, schools and community learning centers (CLCs).