Mga guro sa bansa, binigyang-pugay kasabay ng selebrasyon kahapon ng World Teachers’ Day at National Teachers’ Month

Binigyang-pugay ng Department of Education (DepEd) ang aabot sa 900,000 guro sa bansa kasabay ng selebrasyon kahapon ng World Teachers’ Day (WTD) at National Teachers’ Month (NTM).

Isinagawa ang programa sa pamamagitan ng virtual meeting na may temang “Gurong Filipino: Katuwang sa Hamon, Kasama sa Pagbangon,”.

Naging guest of honor sa programa si Pangulong Rodrigo Duterte na nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa mga guro dahil sa patuloy na pag-agapay sa mga mag-aaral sa gitna ng pandemya.


Lumahok din sa programa sina; Commission on Higher Education (CHED) Chairman Dr. Prospero De Vera III; Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Dr. Isidro Lapeña, at Education committee chairperson in the Congress Senator Sherwin Gatchalian at Cong. Roman Romulo.

Tinatayang nasa 500,000 guro ang lumahok sa virtual meeting na pinangunahan ng DepEd Region VII.

Facebook Comments