Cauayan City, Isabela- Ipaprayoridad ng Provincial Government ng Isabela ang mga Guro na mabakunahan sakaling dumating ang biniling 100,000 doses ng Astrazeneca
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, may sapat naman na pasilidad na paglalagyan ng bakuna at dumaan rin umano ang mga pasilidad sa proseso sa ilalim ng kautusan ng Department of Health (DOH) para matiyak na nasa maayos ang mga bakuna.
Pinaghahandaan naman ang pagdating ng bakunang Sputnik V dahil sa malaki ang bilang na binili sa naturang kumpanya.
Ayon pa kay Binag, mataas ang cold storage requirements ng Sputnik V na umaabot sa negative (-) 8 hanggang 20.
Sa kabila nito, may binili ng cold storage ang provincial government para sa pag-iimbak ng naturang bakuna.
Paalala naman ni Binag sa publiko na iwasan ang mamili ng bakunang ituturok laban sa COVID-19.