Mga guro sa Marawi, all accounted na – DepEd

Manila, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Department of Education na all accounted na ang mga Guro sa Marawi City.

Sa naganap na pulong balitaan sa Manila Hotel sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na all accounted na ang mga guro sa katatapos ng kaguluhan sa Marawi City.

Paliwanag ni Briones mahigit isang daan mga guro ang nawawala ng magsimula ang bakbakan sa Marawi ngunit lingid sa kaalaman ng publiko nakita ang nasabing mga guro sa mga evacuation center na tumutulong habang ang ibay lumipat sa ibang lugar upang tumulong sa pagtuturo sa mga batang Marawi na nawala ng paaralan dahil sa bakbakan sa kanilng lugar.


Giit ng kalihim na walang dapat ipangamba ang mga guro na naipit sa bakbakan dahil tuloy-tuloy ang buwanan nilang sahod para sa kanilang pang araw-araw ng gastusin.

Dagdag pa ni Briones na pagtutuunan din ng pansin ngayon ng DepEd na maibangon muli ang mga nasirang mga paaralan upang makabalik na ang libo libong mag-aaral na nahinto sa kanilang pag-aaral dahil sa naganap na kaguluhan sa Marawi Cty.

Facebook Comments