Matatanggap na ng mga gurong magsisilbing Board of Election Inspector (BEI) ang kanilang honorarium bago pa ang Eleksyon sa Lunes, May 13.
Ayon kay Education Usec. Tonisito Umali, makukuha ng mga B-E-I ang kalahati ng kanilang honorarium at allowance bago magsimula ang botohan.
₱6,000 ang honorarium na matatanggap ng mga Chairperson ng Electoral Board.
Nasa ₱5,000 naman para sa miyembro, ₱4,000 para sa DepEd Supervisor Official o DESO at tig-₱2,000 para sa technical at support staff.
Mayroon din silang lahat na dagdag na p1,000 transportation allowance.
Sabi ni Umali, ang natitirang kalahati ng honorarium at allowance pagkatapos ng araw ng eleksyon kasunod ng pagsurrender ng mga election paraphernalias.
Tiniyak naman ng DepEd na kumpara sa nakaraang halalan na cash card ang ibinigay para mawithdraw ang honorarium ngayon ay ibibigay na ito ng cash.
Hindi rin papatawan ng buwis ang mga honorarium basta ang taunang suweldo ay hindi lalagpas sa ₱250,000.