Pangulong Rodrigo Duterte, hindi nakadalo sa Miting De Avance ng hugpong ng pagbabago

Hindi na nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Miting De Avance ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Davao City.

Inanunsyo sa madla ni HNP Campaign Manager, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi na makakahabol ang kanyang ama sa event pero nakatutok siya sa event sa pamamagitan ng livestream.

Nagpapasalamat aniya ang kanyang ama sa suportang ibinibigay sa kanyang mga kandidato.


Ayon kay dating Special Assistant to the President Bong Go, sobrang napagod ang Pangulo dahil sa maraming dinaluhang lakad.

Nitong Miyerkules ay nagtalumpati ang Pangulo sa Bohol para sa Campaign Rally ni Dating Cabinet Sec. Jun Evasco na tumatakbo sa pagka-gobernador.

 

Facebook Comments